Isa sa mga kalubus-lubusang bentaha ng isang negosyante ay na makapagtrabaho sa isang bagay na iyong hilig, at nasa iyong damdamin. Sa kasawiang-palad, kagustuhan damdamin ay hindi palaging mauuwi na tubo. Kung pagpasiya kang magtatag ng bagong negosyo, magsimula sa pamamagitan ng pagdibelop ng iyong ideya para sa negosyo.
Magsaliksik, magsaliksik, magsaliksik! Kung mas maraming impormasyon na makukuha tungkol sa inyong mga maaaring maging parokyano, sa inyong mga kakompetensiya at ang pangangailangan para sa iyong produkto o serbisyo, mas malamang na matatagumpay ka.
Maglaan ng panahon na kakailanganin mo upang suriin ng mabuti ang inyong ideya at alamin kung ano ang pag-asa na makaka-tubo. Ang dokumentong ito ay naglilista ng ilang mga bagay na dapat mong isa-alang-alang sa panahon na tasahin ang iyong ideya.
Tunay na orihinal ba ang iyong ideya?
Kailangan mong magsaliksik para malaman kung ang inyong ideya ay tunay na orihinal o kung mayroong ibang tao na may katulad sa produkto o serbisyo mo. Ang paggawa ng isang bagay na wala pang gumagawa ay maaring mas malaki ang kikitain kaysa makipag-kompetensiya sa may katulad na produkto o serbisyo pero dapat mong siguraduhing na may pangangailangan o kagustuhan ang mga taong bilhin ito. Isang dalubhasa sa negosyo o tagaturo ay maaring tumulong sa iyo na suriin at palakihin ang orihinal na ideya sa negosyo.
Handa bang magbayad ang mga tao sa iyong produkto o serbisyo?
Ang mahusay na ideya ay magtatagumpay lamang sa negosyo kung handang magbayad ang mga tao sa iyong produkto o serbisyo.
- Magsimula sa pagkilala ng iyong nilalayon na mga parokyano. May plano ba kayong magbenta sa mga kabataan, mga matanda, mga nakatatanda o lahat? Ang produkto ninyo ba ay pangbabae, panglalake o kapwa? Ibebenta ninyo ba ito sa mga indibiduwal, mga ibang negosyo o sa gobyerno? Ano ang antas ng kita ng mga taong makakabili ng iyong produkto o serbisyo?
- Kapag alam mo na kung sino ang pagbebentahan, dapat ninyong gumawa ng pananaliksik ng parokyano upang malaman kung ang iyong nilalayong parokyano ay interesadong bumili ng iyong produkto o serbisyo, at kung gaano sila handang magbayad nito.
- Kung interesado ang mga tao sa inyong produkto o serbisyo, ngunit hindi silang handang magbayad para sa ito, maari ninyong isaalang-alang ang mga alternatibang modelo ng negosyo. May mga negosyo na nagaalok ng serbisyo na walang bayad o sa mababang presyo ngunit nakakatubo sa ibang mga bagay, gaya ng pag-anunsiyo.
Sino ang iyong parokyano?
Bago magbenta, kailangan alamin ninyo kung sino ang mga bibili. Kung hindi ka pipili ng nilalayon na mga parokyano, maaring kayo ay susubuk na ipasiya ang mga pangangailangan ng maraming iba't-ibang parokyano, at sa bandang huli, walang may gusto sa inyong produkto o serbisyo.
Sa pagsaliksik, maari ninyong kilalanin ang pangkat ng edad, kasarian, uso sa buhay, at ibang katangian ng populasyon na may gusto sa iyong produkto o serbisyo.
Sa pagbuo ng pangkalahatang anyo ng parokyano, kailangan mong ipaliwanag sila ayon sa:
- edad (kalilmitan buhat sa 20-35 anyos)
- kasarian
- marital status
- lokasyon ng bahay na tirahan
- laki ng pamilya at deskripsyon
- kita, perang panggastos (perang magagamit sa pagbili)
- natapos na edukasyon, kalimitan ang nakompletong antas
- pinagkakakitaan
- mga hilig, anyo ng pagbibili (ano ang binibili o gusto nila?)
- kultura, etniko, at pagkakaibang lahi
Halimbawa, sa isang pagawaan ng damit ay maaaring isaalang-alang ang mga bagong-silang, mga manlalaro o mga kabataan bilang posibleng nilalayon na mga parokyano. Sa paggawa ng anyong panlahat para sa bawa't posibleng mga parokyano, maaring pasyahan ninyo kung alin ang mga makakatotohanan, alin ang pinkakaunting magbakasakali, o malamang may kikita. Ang isang siyasat ng maaaring parokyano na para sa mga inakalang nilalayon na mga grupo ay makakatulong din ihiwalay ang tunay na nilalayon na mga parokyano buhat sa mga malamang na hinding posibilidad.
Sa pagkakataon na malaman ninyo kung sino ang inyong mga parokyano, nanaisin ninyong malaman ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan. Ang ilan mga bagay na nanaisin ninyong malaman tungkol sa inyong mga malamang na parokyano ay kasama ang:
- Ano ang pagsubok nila na maaring lutasin ng iyong produkto o serbisyo?
- Ano ang kanilang kailangan at ina-asahan tungkol sa produkto o serbisyo?
- Anong uri ng bagay ang kanilang gusto?
- Ano ang kanilang pinaggastusan sa kanilang salapi?
- Saan sila namimili?
- Paano sila nagpapasya tungkol sa paggastos?
Tandaan, kung nais mong iguhit ang hugis ng parokyano, at maintindihan ang kanilang pangangailangan, kailangan mong gumawa ng pagsisiyasat sa pamilihan.
Maari ka bang makipagkompitensiya sa kasalukuyang kompanya?
Sa pagkakataon na malaman ninyo kung sino ang inyong mga parokyano, siyasatin kung sino pa ang nagbebenta ng katulad na mga produkto, at kung saan nila ito'y pinagbibili. Magbebenta ka ba ng produkto na nasa pamlilihan na? Kung ang iyong ideya ay produkto para sa parokyano, tingnang ang tindahan at katalogo at puntahan ang palabas kalakal para alamin ang ibang produkto na mayroon, at anong kompanya ang nagbebenta. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng paggamit ng kasalukuyang data o sa paggawa ng iyong sariling siyasat.
Kailangan ninyo ring bigyan ang inyong mga parokyaon ng dahilan para bumili sa inyo sa halip ng sa kompitensya. Pinakamahusay ba ang inyong produkto o mas mababa ba ang inyong presyo kaysa sa inaalok ng mga ibang negosyo? Tandaan na hindi laging sapat na mag-alok lamang ng mababang presyo. Mahalaga rin ang kalidad at ang serbisyo para sa mga parokyano.
Paano ipadadala ang iyong produkto o serbisyo?
Sa pamamahagi ng inyong produkto o serbisyo, maaring magsimula kayo ng sariling kompanya at magbenta mismo sa mga parokyano o maari na kayo ay makipagsosyo sa isa pang kompanya na sila'y magbebenta ng mga produkto o gagawa ng serbisyo para sa iyo. Maaaring mas madaling magsimula ng sarili ninyong kompanya kaysa maghanap ng iba pang kompanya na mamamahagi ng produkto o serbisyo. Maraming potensiyal na bumibili ay handang makitungo sa isang tagatustos kaysa kunin ang produkto o imbento buhat sa isang nag-iisang tao.
Paano mo ipakakalat ang iyong produkto o serbisyo?
Ang ideya o imbento ay kikita lamang kung mayroong mga parokyanong bibili nito. Isinasaalang-alang ba ninyo kung paano malalaman ng mga parokyano tungkol sa inyong produkto o serbisyo? Ang ilang mga opsyon ay:
- online (sa Internet)
- sa mga palabas kalakal at asosasyong pangalakal
- pag-anunsiyo sa pahayagan, sa radio o telebisyon
- pamamahagi ng mga pulyeto at mga tarheta ng negosyo
Kailangan mo ba ng proteksiyon sa kahusayan para sa iyong ideya o imbento?
Baka gusto ninyong protektahan ang inyong ideya, imbento o produkto na hinidi makopya ng iba. Maaaring ibilang sa ari-ariang pangkaisipan ang inyong mga disensyo ng produkto, ang inyong tatak para sa negosyo at mga bansag o inyong orihinal na sinulat na materyales. Magpasiya kung gusto ninyo ng proteksyon para sa ari-ariang pangkaisipan, sa pamamagitan ng pagsisiyasat na kung ano ang kasangkot, pagtatasa ng gastos, at pagsasaliksik na kung paano ito makukuha.
Mayroon bang pagbabawal o obligasyon sa limitasyon ng iyong ideya?
Bago humakbang sa inyong ideya sa negosyo, tingnan kung mayroon mga regulasyon ng gubyerno na nagbabawal o nagtatakda ng pagbenta ng inyong mungkahing produkto o serbisyo o pamamalakad ng inyong negosyo. Ang mga kinakailangan ayon sa regulasyon at paglilisensya ay nag-iiba-iba para sa iba't-ibang mga uri ng negosyo, mga iba't-ibang gawain at iba't-ibang mga lugar. Siguraduhing magtanong sa mga antas na pampederal, pamprobinisya at pangmunisipal na pamahalaan upang malaman kung ano ang maaaring tumukoy sa inyong negosyo, inyong produkto o inyong serbisyo.
Para sa iba pang impormasyon sa pagbuo ng inyong mga ideya, sa pagsimula ng negosyo, at iba pang paksa sa negosyo, tumawag sa Small Business Services / Services aux petites entreprises ngayon. Ang serbisyo sa telepono ay maaring Inglis o Pranse.