Pagpili at Pagtayo ng isang Lokasyon

Maraming bagay na dapat isaalang-alang sa pagdesisyon kung saan ilalagay ang iyong negosyo at kung paano aayusin ang iyong opisina, tindahan o pasilidad.

Lokasyon ng tindahan

Bilang may-ari ng negosyo, mahalagang malaman mo na ang lokasyon ng iyong tindahan ay may epekto sa tagumpay o paglugi ng iyong negosyo.

Isaalang-alang ang apat na sumusunod na bagay sa pagpili ng lokasyon:

  • Zoning: Siguraduhin na ang lugar ay nasa tamang zone para sa iyong uri ng negosyo.
  • Demograpiko: Alamin kung ang demograpiko ng lugar ay mabuti para sa uri ng iyong negosyo. Halimbawa, alamin ang edad, kita at laki ng pamilya ng mga naninirahan doon.
  • Suriin ang trapiko: Isaalang-alang kung ang pinakamaigi para sa iyong negosyo ay ang lugar na pinupuntahan ng marami o ng kaunting tao. Isaalang-alang kung madali itong mapuntahan gamit ang pampublikong transportasyon at kung nangangailangan ng paradahan.
  • Kompetisyon: Tiyakin na ang anumang mga tindahang malapit sa iyo ay hindi tapat na kompetisyon sa iyong negosyo.

Ito ang ilang halimbawa ng mga bagay na dapat mong isaalang-alang para sa mga ispesipikong uri ng mga tindahan:

  • Convenience stores (supermarkets, hardware, panaderya, mga botika): Kung ikaw ay may convenience store, maaari kang maghanap ng mall o ibang lugar na pinupuntahan ng maraming tao. Nais ng mga customer ang kaigihang makabili ng maraming bagay sa iisang lugar, kaya maigi kapag ang iyong mga katabing tindahan ay makakatulong sa iyong negosyo.
  • Specialty stores (nagtitinda ng mga unique at mahirap hanaping produkto): Kung ang iyong tindahan ay isang specialty store, ang iyong mga produkto ay mas naiiba at kadalasan ay ok lang sa mga customer ang puntahan ka upang bilhin ang mga ito.
  • Retail stores (pananamit, malalaking appliance, atbp.): Kung ang iyong negosyo ay isang retail store, maghanap ng lugar sa isang shopping centre na magpapahintulot sa customer na tumingin-tingin sa iba bago magdesisyon na bumili. Ang luxury goods ay pangkalahatang ibinebenta sa mas mataas na presyo. Ang retail stores na nasa mga shopping mall ay nagbibigay ng kompetisyon at karaniwang mas matagumpay kaysa sa nag-iisang retail stores.

Humingi ng impormasyon sa zoning department ng iyong siyudad tungkol sa iyong mga napiling lokasyon.Tiyakin na walang mga pagbabawal na maaaring sumagabal sa pagpapatakbo ng iyong negosyo. Maigi ring alamin kung mayroong mga pagbabago sa construction o trapiko na makakaapekto sa iyong negosyo.

Renta

Bago pumayag sa pangmatagalang pagrenta, magpasiya kung gaano mo katagal gustong manatili sa lokasyon. Isaalang-alang ang mga sumusunod:

  • Matagalan ba ang iyong plano sa negosyo o ilang taon lamang?
  • Maaari mo bang palawakin ang iyong negosyo sa lugar na iyon?
  • Mababago ba ang iyong pagrenta upang magkaroon ka ng opsyon na mag-renew o maghanap ng ibang lokasyon?
  • Fixed ba ang renta mo o base ba ito sa dami ng iyong benta?
  • Siguraduhin na ang lahat na ipinangako sa iyo ng may-ari ng gusali ay nakasulat, tulad ng pagkumpuni, construction, pag-adorno, pagbabago at pagmementena.

Tulong sa paghanap ng lokasyon

Maaari kang kumuha ng makokonsulta para masuri ang mga lokasyon na iyong napili. Dahil nais mo ang pinakamahusay na lugar para sa tindahan, maigi ang humingi ng pinakamaraming tulong na maaari. Kung wala kang mahanap na angkop na lokasyon, maghintay hanggang makahanap ka bago mo buksan ang iyong tindahan.

Para sa ibang impormasyon sa pagpili at pagtayo ng lokasyon at iba pang paksa sa negosyo, tumawag sa Small Business Services / Services aux petites entreprises ngayon. Maaaring gamitin ang wikang Ingles o Pranses sa telepono.