Kailangan ang panahon at sikap sa pagbili ng negosyo. Mahalaga sa iyo ang pagsisiyasat upang masiguro na tama ang klase ng negosyo at makatuwiran ang halaga nito.
Pagtantiya ng negosyo
Bago ka magpasya bumili ng negosyo tantiyahin ang kondisyon at potensiyal ng negosyo. Isaalang-alang ang sumusunod:
- Gumagana ba ang gusali, kasangkapan at imbentaryo?
- Mahusay ba ang reputasyon ng negosyo?
- Paano makikita at madali bang puntahan ang negosyo? Ito ba ay nasa siyudad o labas ng siyudad? Isipin ang gastos sa pagpapadala kung kinakailangan, kung ikaw ay malayo sa tagapagtustos at parokyano.
- Kumikita ba ang produkto o serbisyo? Tumataas ba ang bentahan, bumababa o patad lamang?
- Mabuti ba ang relasyon ng negosyo sa tagapagtustos at bangko?
Kung ang kasunduan ay masyadong mabuti upang maging totoo, siguro nga. Kaya, mag-ingat!
Batayan kung magkano ang babayaran sa negosyo
Bilang tagapagbili, alamin mo ang iyong kaya bago simulan ang negosasyon. Dapat magbigay ng palugit sa iyong pagbili, ngunit dapat sundin ang iyong budget at ang halaga ng negosyo.
Ano ang halaga ng negosyo?
- Alamin ang halaga ng ari-arian, gaya ng gusali, kasangkapan at produkto.
- Isalang-alang ang talaang pangsalapi, taonang talaan at kahalagaan sa ari-arian (halimbawa, patents at trade-marks) ng negosyo.
- Ang ilang mahalagang ari-arian ng negosyo ay reputasyon, listahan ng parokyano at katangian ng manggagawa.
Kausapin ang mga kliyente na bumibili direkta sa negosyo. Mabuting malaman ang reputasyon ng negosyo bago lagdaan ang kontrata. Madaling kausapin ang mga banko sa isang negosyo na mayroon ng kinita.
Huling pagsa-alang-alang
- Maglaan ng panahon at patotohanan ang impormasyon na binigay sa iyo bago magpasiya sa pagbili.
- Bilhin ang negosyo sa loob ng industriya na iyong alam at mayroong produkto at serbisyo komportable mong ipagbibili.
- Bumili ayon sa pagbalik ng puhunan at hindi sa presyo.
- Huwag gamitin ang lahat mong pera sa pagbili.
- Imbestigahin ang tagatustos, parokyano at reputasyon ng negosyo bago bumili.
Para sa ibang impormasyon sa pagbili ng negosyo at iba pang paksa na negosyo, tumawag sa Small Business Services / Services aux petites entreprises ngayon. Ang serbisyo sa telepono ay Inglis o Pranse.