Ang mag-umpisa ng negosyo sa unang pagkakataon ay maaaring mahirap para sa isang nagsisimula pa lamang na negosyante. Ang mamuhunan sa isang matagumpay na prankisya ay mabuting opsyon para sa iyong bagong pinaplanong negosyo.
Ano ang franchising?
Ang franchising ay isang paraan sa pamamahagi ng produkto o serbisyo. Ang franchisor (orihinal na may-ari) ang magbebenta ng lisensiya o karapatang gamitin ang kanyang trade-mark (marka-kalakal) o trade name (pangalan sa kalakal). Ang franchisee (taong bumibili ng franchise) ay papayagan ng franchisor na gamiting ang pangalan ng negosyo at branding para sa negosyo. Bilang franchisee, magbabayad ka sa franchisor ng takdang bahagi ng salapi (royalties) buhat sa iyong kinikita sa franchise. Karaniwan, gagawa ng papeles na kasunduan sa franchise ang franchisor, na may kasamang impormasyon sa pagpapalakad ng franchise.
Mga Bentaha
Maraming pumipili na magsimula ng isang franchise dahil sa mga iba't ibang rason. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga maaaring bentaha sa pagpapalakad ng isang franchise:
- Magsisimula ka sa napatunayan nang ideya sa negosyo.
- Mayroong tulong sa pagsimula ng negosyo (kasangkapan, mga supplier, training).
- Maari mong bilhin ang iyong supplies nang bulto.
- Ang iyong negosyo ay magbebenepisyo mula sa isang kilalá nang tatak.
- Hindi ka na maghahanap ng supplies at mga customer.
- Maaaring malaki ang kikitain kapag bumili ng matagumpay na franchise.
- Mas mababâ ang failure rate ng mga franchise.
Mga Katalunan
Ang isang franchise ay nag-aalok ng maraming benepisyo subalit maaari ding may mga katalunan. Kabilang sa mga katalunan ang:
- Pare-pareho ang pagpapatakbo ng franchise, kaya mas kaunti ang flexibility mo sa pamamalakad nito sa paraang gusto mo. Minsan ay maaari ito maging hadlang kung ikaw ay mayroong mga sariling ideya sa kung paano dapat palakarin ang negosyo.
- Kapag mas matagumpay ang franchise, karaniwang mas mahal ito bilhin.
- Mayroong mga palagiang gastos, gaya ng royalties at advertising.
- Ang ibang franchisor ay maaaring hindi magbigay ng maraming tulong, gaya ng training o pagtuturo.
- Kalimitan, ang kasunduan sa franchise ay karaniwang pabor sa franchisor, kaya siguraduhing ipasuri ito nang husto sa iyong sariling abogado bago ka pumirma.
- Ang lokasyon ng franchise ay nasa pasya ng franchisor.
- Kaunti lamang ang legal na proteksiyon para sa indibidwal na franchisee/may-ari.
Para sa iba pang impormasyon sa franchising at iba pang paksa sa negosyo, tumawag sa Small Business Services / Services aux petites entreprises ngayon. Maaaring gamitin ang wikang Ingles o Pranses sa telepono.