Ang magsimula ng negosyo ay maaaring nakakataranta para sa mga baguhang negosyante. Kung mayroon kang mahusay na ideya at handa kang magtrabaho nang husto, maaaring mainam para sa iyo ang magsimula ng iyong sariling negosyo. Pero kung nais mong iwasan ang ilan sa mga karaniwang hámon sa pagsimula ng isang negosyo, maaaring mas mainam na opsyon ang bumili ng isang nakatayô nang negosyong o isang mahusay na franchise.
Ang pagsimula ng iyong sariling negosyo
Ang pagsimula ng negosyo mula sa unang ideya ay isang pagsisikap na maaring makapagbigay ng ganap na kasiyahan. May mga pabor o kontra na dapat pag-isipan bago magpasya kung ikaw ay magsisimula ng sariling negosyo.
Mga Benepisyo
Ang sumusunod ay ilan sa mga maaaring maging benepisyo:
- Ikaw ang bahala sa lahat ng design at pamamahala ng negosyo, ayon sa iyong kagustuhan
- Hindi ka nakatali sa mga patakaran, kasaysayan, o assets ng sino man
- May pagkakataon kang maglabas ng bagong produkto sa market
- Maaaring mas mura ito kaysa sa bumili ng isang kumikitang negosyo
Mga Hámon
Ang sumusunod ay ilan sa mga paghihirap na maaari mong harapin:
- Maaaring matagalan bago ka kumita
- Walang garantiya na magtatagumpay ang negosyo at maraming mga bagong negosyo ang bumabagsak
- Mas mahirap kumuha ng financing dahil isang risk para sa mga nagpapahiram o mga investor ang iyong ideya
Bumili ng isang nakatayô nang negosyo o franchise
Ang pagbili ng isang nakatatag na negosyo, halimbawa isang franchise (prankisya), ay isang popular na opsyon para sa pagpatakbo ng iyong negosyo.
Mga Benepisyo
Kabilang sa mga maaring bentaha sa pagbili ng nakatayo nang negosyo ay:
- Magbebenepisyo ka mula sa trabaho na nagawa na sa pagtatag ng isang brand, pagdibelop ng relasyon sa mga customer, pagdibelop ng mga proseso sa negosyo, at pagkuha ng assets
- Mas mabilis kang magsimula na kumita
- Mas madali kang makakuha ng financing dahil napatunayan na ang business model
Mga Hámon
Kabilang sa mga paghihirap na maaring mong maranasan ay:
- Ang investment sa simula ay karaniwang mas mataas kaysa sa kung magsisimula ka ng iyong sariling negosyo.
- Ang business model at paraan ng pagnenegosyo ng dating may-ari at/o franchisor ay maaaring hindi tumutugma nang husto sa iyong iniisip.
Para sa karagdagang impormasyon kung nais mo bumili o magsimula ng iyong sariling negosyo, at para sa iba pang mga paksâ sa negosyo, kontakin ang Small Business Services / Services aux petites entreprises ngayon. Maaaring gamitin ang wikang Ingles o Pranses sa telepono.