Bilang may-ari ng negosyo, mahalagang maintindihan mo kung bakit maaaring mahalaga para sa iyong maliit na negosyo ang kumonsulta sa isang abogado.
Mas maliit ang gastos kung kukuha ng abogado at maayos na ipapagawa ang iyong legal na mga papeles kaysa sa kumuha ng abogado upang lutasin ang problema pagkatapos mangyari ang mga ito. Sanay ang mga abogado sa pag-unawa sa batas at maaaring makatulong sila kapag nagsisimula ng isang negosyo. Minsan, mukhang madali ang mga pamamaraan at mga pormularyo para sa negosyo, pero maaaring mas komplikado ang mga legal na transaksyon kaysa sa iniisip mo.
Kailan Mo Kailangan ng Isang Abogado?
Mayroong ilang mga sitwasyon kung saan maigi ang kumonsulta ng isang abogado:
Ang Pagpili ng Istruktura ng Negosyo:
Kadalasang sisimulan mo ang isang bagong negosyo sa pamamagitan ng pagpili ng isang legal na istruktura na nararapat sa iyong mga pangangailangan sa negosyo. Maaari kang pumili mula sole proprietorships at partnerships hanggang sa incorporated companies at cooperatives. Matutulungan ka ng isang abogado na piliin ang tamang anyô ng negosyo gamit ang factors tulad ng: bilang ng mga taong kasali rito, uri ng negosyo, tax, mga problema sa liyabilidad, at mga pangangailangan sa pananalapi.
Kung Bibili ng Negosyo na Naroroon Na:
Kung ikaw ay bumibili ng negosyo na naroroon na, kailangan mo ng isang "buy and sell" na kasunduan na pinirmahan ng bawat partido kung saan nakapahayag ang mga pangangailangan, ang mga obligasyon ng bawat isa, at anumang iba pang mga termino at kondisyon ng pagbenta. Maari ring isama rito ang detalyadong paraan kung paano lulutasin ang anumang mga pagtatalunan tungkol sa pagbenta.
Mga Kinakailangan sa Pagrenta:
Ang karamihan ng maliliit na negosyo ay nagrerenta ng espasyo kung saan makikita ang kanilang negosyo. Gayunman, ang umupa ay maaaring isa sa iyong mga pinakamalaking gastos. Siguraduhin na ang iyong pag-upa ay maaring baguhin kung kailangan mong mag-expand o kung kailangan mong baguhin ang iyong negosyo. Ang isang abogado ay maaari ring magbigay sa iyo ng ispesipikong payô bago mo pirmahan ang isang lease.
Mga Kontrata:
Kapag mayroon kang mga legal na kasunduan, maigi ang kunin ang payô ng isang abogado bago ka pumirma. Ang sumusunod ay ilang mga halimbawa ng kontrata kung saan matutulungan ka ng isang abogado:
- mga kasunduan sa lisensiya
- mga kasunduan sa franchise
- mga kontrata sa trabaho
- mga kasunduan sa subcontractor
- mga kasunduan sa partnership, incorporation, o shareholder
- mga kasunduan sa pagrenta
- mga kasunduan sa mortgage at pagbili
Equity Financing:
IKung plano mong kumuha ng equity financing para sa iyong negosyo, matutulungan ka ng isang abogado na isulat ang mga tadhana ng shareholder agreement at rebyuhin ang anumang mga legal na dokumento na ibinigay ng mga gustong maging investor. Maaari ka ring tulungan ng iyong abogado na asesuhin kung paano maaapektohan ng isang shareholder agreement ang ibang mga obligasyon at mga kasalukuyang kontrata ng mga empleyado, mga supplier o mga institusyon sa pananalapi.
Ibang mga Isyu na Nangangailangan ng Legal na Payô:
Maaaring may ibang mga bagay kung saan maaari mong hingin ang payô ng isang abogado upang matiyak ang pinakamabuting gagawin, katulad ng:
- mga reklamo o mga alalahanin tungkol sa kapaligiran
- mga problema o mga pagtatalo ng empleyado
- mga pagtutunggalian ng mga kasosyo sa negosyo
- pagsara ng iyong negosyo
- pagprotekta ng iyong intellectual property
Kung may duda sa pagiging legal ng iyong mga kagawian sa negosyo, o kung hindi ka sigurado tungkol sa pagiging legal ng isang gawain sa negosyo, dapat kang kumuha ng payô mula sa isang abogado.
Pagpili ng Abogado
Kung ikaw ay nakipagtulungan sa isang abogado nang nagbenta ka ng pag-aari o iba pang personal na bagay, maaaring may kilala siyang abogado sa negosyo. Kausapin ang mga taong kilala mo at tingnan kung mayroon silang maaaring irekomendang mga abogado na matagumpay nilang ginamit dati. Maraming abogado ang makikipagkita sa iyo nang libre sa unang beses upang malaman kung ano ang inaasahan ng bawat panig.
Karaniwang maaaring pamahalaan ng isang pangkalahatang abogado para sa negosyo ang iyong mga pang-araw-araw na gawain. Kung kailangan mo ng tulong sa mga mas komplikadong paksa sa negosyo, tulad ng equity financing o intellectual property, maaari ka ring kumuha ng abogado na espesyalista sa mga paksang ito.
Siguraduhing nauunawaan mo kung paano sumisingil ang iyong abogado. Kung sa palagay mo'y aabutin nang ilang panahon bago kumita ang iyong negosyo, dapat ka munang makipagkasunduan sa iyong abogado kung paano siya babayaran.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa legal na tulong para sa maliit na negosyo at iba pang mga paksa ng negosyo, tumawag sa Small Business Services / Services aux petites entreprises. Maaaring gamitin ang wikang Ingles o Pranses sa telepono.