Bakit kailangan gumawa ng marketing plan?
Ang iyong marketing plan ay mahalagang bahagi ng iyong kabuuang negosyo. Kapag ikaw ay nag-uumpisa ng negosyo o naglalabas ng mga bagong produkto o ideya, ang planong ito ay makakatulong sa iyo na.
- Tantiyahin ang mga pangangailangan ng iyong mga customer, at magdibelop ng isang produkto o serbisyo upang matugunan ang mga pangangailangang ito.
- Ipaabot ang mga katangian ng produkto o serbisyo sa customer.
- Magtatag ng mga distribution channel upang makarating ang produkto/serbisyo sa customer.
Kapag gumawa ka ng iyong marketing plan, malalaman mo ang mga aspeto ng marketing na madaling makalimutan. Upang gumawa ng mahusay na plano, kailangan mong alamin kung sino ang iyong customer, kung paano nila bibilhin ang produkto o makukuha ang iyong mga serbisyo mo, at kung bakit. Kailangang din makita ng bangko o nagpapahiram ang marketing na bahagi ng iyong business plan bago ito magpasiya magpautang sa iyo.
Ang mga uso, pamilihan, at mga layunin ay magbabago at sa gayon ay dapat din magbago ang iyong plano. Bisitahin muli ang iyong marketing plan sa tuwi-tuwina at baguhin kung kailangan, at iakma ito alinsunod sa mga pagbabago sa iyong mga gawain sa negosyo o mga hula sa mga bagong uso.
Bago isulat ang iyong marketing plan
Market research
Bago ka magbuo ng marketing plan, magsasaliksik sa potensiyal na market para sa iyong produkto o serbisyo. Gumamit ng numero, pangyayari at resulta para sa iyong marketing plan. Maaari mong gumamit ng katanungan, lumikha ng online survey, at magkumpara sa makukuhang databases at iba pang resources upang mahanap ang impormasyon na kailangan mo sa pagbuo ng iyong marketing plan.
Mga Bahagi ng isang marketing plan
Executive summary – Ano ang aking pangkalahatang plano?
Ang executive summary ay buod ng pananaw ng mga mahalagang punto ng iyong marketing plan at, kahit ito ay huling isinusulat, dapat ito ilagay sa harap ng plano. Ang buod na ito ay karaniwang ang unang bahagi na babasahin ng isang maaaring gustong mag-invest o magpahiram at maiging bigyan mo ito ng karagdagang atensiyon. Ang executive summary ay dapat:
- May mga mahalagang punto mula sa bawat isa sa ibang mga seksyon upang ipaliwanag ang pundasyon ng iyong marketing plan.
- Maging sapat na kawili-wili upang maakit ang bumabasa na ipagpatuloy ang pagbasa ng iyong buong marketing plan.
- Maikli ngunit malinaw.
Ang iyong Negosyo
Kung hindi mo pa nagagawa sa iyong pangkalahatang business plan, maiging malinaw na sabihin kung sino ka, kung ano ang iyong negosyo, kung ano ang mga layunin ng iyong negosyo, at ano ang nagbigay-sigla sa iyo na magsimula, bumili o palaguin ang negosyo. Halimbawa:
- Isama ang pangalan ng kompanya, address, numero ng telepono, at mga pangalan ng may-ari/kasosyo.
- Sabihin ang kinabukasan ng negosyo, at isalaysay ang pakay (dapat ihanay ito sa iyong target market)
- Sabihin ang mga mahalagang buod at layunin ng iyong negosyo at (mga) may-ari nito.
Ilarawan ang produkto o serbisyo
Ipaliwanag kung bakit unique ang iyong produkto o serbisyo o kung bakit ito napakahusay kumpara sa ibang modelo sa market. Kung hindi unique ang produkto o serbisyo, baka tama ang lokasyon o kaya ay maaring magbigay ang malaking market ng lugar para sa kompetisyon. Mahalagang gumamit ng mga numero at facts upang ipakita na ang iyong negosyo ay kikita.
Kilalanin ang iyong target market – Sino ang iyong customer?
Bago magbenta, kailangan mong malaman kung sino ang bibili. Kung hindi mo alam kung sino ang iyong target market, maaaring sinusubukan mong pasiyahin ang masyadong maraming iba't-ibang mga pangangailangan ng customer at sa huli ay magkakaroon ka ng produkto na walang may gusto o serbisyo na walang may kailangan.
Kapag ikaw ay nagsasaliksik, makikilala mo ang edad ng pangkat, kasarian, uso sa buhay, at ibang katangian ng populasyon na nagpakita ng pagkagusto sa iyong produkto o serbisyo. Mahalagang magbigay ng estatistiko, pagsusuri, mga numero at mga katotohanang magpapakita sa bumabasa na mayroong pangangailangan para sa iyong produkto o serbisyo.
Kapag nagdidebelop ng isang pangkalahatang profile ng iyong mga customer, maigi ang ipaliwanag kung sino sila ayon sa:
- edad (kalimitan buhat sa 20-35 anyos)
- kasarian
- marital status
- lokasyon ng bahay na tirahan
- laki ng pamilya at deskripsiyon
- kita, lalo na ang kitang panggastos (perang magagamit sa pambili)
- edukasyong natapos, karaniwan hanggang sa huling nakompletong antas
- okupasyon
- mga hilig, ano ang mga binibili (ano ang gusto ng iyong mga customer?)
- kultura, etniko, at lahi
Halimbawa, maaaring isaalang-alang sa isang pagawaan ng damit ang ilang mga posibleng target market: mga maliliit na bata, manlalaro, o mga kabataan. Kapag gumawa ka ng general profile ng bawat isa sa iyong posibleng market, maaaring pasyahan mo kung alin ang pinaka-makatotohanan, kung alin ang may pinaka-kaunting risk, o ang pinakamalamang na pagkakakitaan. Ang isang test market survey ng mga pinakamalamang na target group ay makakatulong din sa iyo na ihiwalay ang mga tunay na target market mula sa mga walang posibilidad.
Kapag nakita mo na ang iyong mga target customer, maiging malaman ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan. Kabilang sa ilan sa mga maraming bagay na maiging malaman tungkol sa iyong mga inaasahang maging customer ay ang mga sumusunod:
- Ano ang mga pagsusubok nila na maaring lutasin ng iyong produkto o serbisyo?
- Ano ang kanilang mga pangangailangan at mga inaasahan hinggil sa produkto o serbisyong ito?
- Anong mga uri ng bagay ang kanilang gusto?
- Saan nila ginagastos ang kanilang salapi?
- Saan sila namimili?
- Paano sila nagpapasiya tungkol sa paggastos?
Tandaan na kung nais mong magdibelop ng profile ng iyong mga customer, at maunawaan ang kanilang mga pangangailangan, kailangan mong gumawa ng market research.
Alamin ang iyong kakompetensiya
Ang karamihan sa negosyo ay naglalabanan sa isa't-isa. Ngunit kahit na ikaw ay nag-iisa, magkakaroon ka rin ng kompetensiya. Mahalagang malaman mo ang iyong kalaban at mga kalakasan nila. Ihambing mo sa iba ang iyong mga Kalakasan, Kahinahan, Oportunidad, at Banta; oras na malaman mo kung ano ang iyong nagagawang mas mabuti kumpara sa iba, siguraduhing ipaalam mo ito sa iyong customer.
Paano ko ipadadala ang produkto sa customer?
Karaniwang namimili ang customer sa tindahan upang hanapin ang produktong gusto nila. Gayundin, kadalasan nating inaakala na kailangan natin magpunta sa isang ispesipikong lugar para sa mga serbisyo gaya ng masahe o paggupit ng buhok. Gayunman, walang nagdidikta kung paano mo pagsisilbihan ang iyong mga customer. Halimbawa, maari mong pagpasyahan na:
- Magbenta sa pamamagitan ng retail, wholesale o propesyonal na ahente sa pagbenta
- Magbenta sa mga kiosk sa mga paaralan, opisina, publikong lugar, at pagdiriwang
- Pumunta sa bahay ng customer o lugar ng negosyo
- Kumuha ng mga order buhat sa isang katalogo o online sa website
Pagsamahin ang iyong gawaing pamilihan
Lumikha ng hanay o talaang nagkakalkula ng kung magkano ang total marketing budget na plano mong gastusin sa bawat uri ng media. Sa ibang hanay o talaan, sabihin kung gaano katagal ang panahon na igugugol mo sa bawat isa. Maari mong hatiin ang bawat grupo ayon sa ispesipikong media. Ang ilang mungkahi ay:
- Pag-anunsiyo (TV, radio, print publication, online publication, websites, karatula, business cards)
- Publisidad (signs, stationery, branding, testimonials, referrals)
- Listahan (direktoryo ng negosyo, telepono, online listing, listahan ng asosasyon)
- Pag-isponsor (pagsaliksik, community events, lokal na kawang-gawa, larong paligsahan)
- Networking (kumuha ng feedback mula sa kasalukuyan at potensiyal na customer at ibang mga nasa industriya; kausapin ang publiko sa pamamagitan ng online social networks; magbigay ng kuro-kuro sa blogs, magsalita sa public events; makihalo sa mga kapwa nasa industriya sa business events)
- Promo (pagpapadala ng mail, sample, mga libre, discount coupon, sales, display)
- Internal marketing (diskuwento para sa tauhan, pabuya sa pagbenta, pabuya para sa referral)
Magplano para sa mga Problema
Gaya ng anumang aspeto ng pagpatakbo ng negosyo, kailangan maging handa sa anumang pagsubok. Anumang ingat mo sa pagpaplano ng marketing strategy, maaaring magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari. Maari mong isulat ang ilang posibleng "sorpresa" na sakaling mangyayari at isulat kung paano mo ito lulutasin.
Ang sumusunod ay ilan sa mga pagsubok sa marketing na dapat mong planuhan:
- Regulasyon sa bagong packaging/etiketa/claims
- Pagbabago sa uso at kagustuhan ng mga bumibili
- Mga isyu sa kapaligiran na may kinalaman sa iyong negosyo
- Negatibong business image o pagtingin sa negosyo
- Pagbabago sa ekonomiya
- Bagong kompetensiya
- Regulasyon at pamantayan ng pamilihan
- Marketing habang may recession
Ipahayag ang iyong presyo o pricing strategy- Magkano ba ang aking dapat isingilin?
Ang pagtiyak sa tamang presyo ay isa pang bahagi ng pagbebenta. Kung ang mga presyo ay masyadong mataas, mawawalan ka ng customer, at kung masyadong mababa, aakalain nila na ang iyong produkto o serbisyo ay walang kwenta. Ang ilang mga negosyo ay kusang sumisingil nang mataas upang akalain ng customer na ang kanilang produkto o serbisyo ay mahusay. Ang ilan ay nagbebenta nang medyo mataas kaysa sa karaniwang presyo upang makapagbigay sila ng mahusay na serbisyo sa customer.
Mga Projection at pangmatagalang layunin
Kailangang linawin mo sa iyong plan kung nais mong mag-umpisa nang maliit at panatilihing maliit ang iyong negosyo. Kung ang iyong pangmatagalang layunin ay ang mag-expand sa ilang taon, makapagbenta sa ibang bansa o magbenta ng franchising rights, maigi ang isali ito sa iyong plan. Isulat ang mga hakbang na nais mong gawin upang palaguin ang iyong negosyo, at kung paano mo iaakma ang iyong gawain sa marketing upang makamit ang layuning ito.
Magbigay ng petsa para sa review
Ang hakbang na ito ay magiging isang paalala upang maitatag mo kung ilang beses mo rerebyuhin ang iyong marketing plan. Maigi ang i-update mo ang iyong plan kapag may pagbabago sa iyong negosyo. Ngunit makakatulong ito sa iyo na panatilihing nasa panahon ang iyong plan kung gumawa ka ng pangako na suriin ito kahit isang beses sa isang taon.
Para sa ibang impormasyon tungkol sa marketing plan outline, at iba pang paksa sa negosyo, tumawag sa Small Business Services / Services aux petites entreprises ngayon. Ang serbisyo sa telepono ay ibinibigay sa Ingles o Pranses.