Patnubay para sa Business Plan

Ano ang business plan at bakit kailangan ko ito?

Ang isang business plan ay nakasulat na dokumento na naglalarawan ng iyong negosyo, mga layunin at istratehiya nito, ang market kung saan nais mong magbenta, at ang iyong financial forecast. Mahalaga ang business plan dahil tumutulong ito sa iyo na magkaroon ng makahulugang mithiin, makakuha ng pondo mula sa labas, sukatin ang iyong tagumpay, linawin ang kinakailangan sa operasyon ng pagtakbo at itatag ang resonableng financial forecast. Ang paghanda ng plano ay tutulong din sa iyo na ituon ang iyong pansin sa pagpapalakad ng bagong negosyo at bigyan ito ng pinakamabuting pagkakataon sa pagtagumpay.

Ang magtatag ng tulong sa pananalapi upang simulan ang iyong bagong negosyo ay tuwirang may kinalaman sa lakas ng iyong business plan. Upang makakuha ng pondo mula sa bangko o mga investor, kailangan mong ipakita na nauunawaan mo ang bawat bahagi ng iyong negosyo at ang kakayahan nitong lumikha ng tubo.

Ang business plan ay hindi lamang isang bagay na ipapakita sa mga nagpapahiram at mga investor; kinakailangan din ito upang matulungan kang magplano para sa paglago at pag-unlad ng iyong negosyo. Ang tagumpay ng iyong negosyo ay nakasalalay sa iyong mga plano para sa kinabukasan.

Nakalista sa ibabâ ang mga halimbawa ng mga katanungan na dapat mong itanong sa iyong sarili kapag isinusulat mo ang iyong business plan.

  • Paano ako makakatubo?
  • Paano ko palalakarin ang negosyo kung ang benta ay mahina o ang tubo ay mababa?
  • Sino ang aking kakompetensiya, at paano kami patuloy na makakapagnegosyo?
  • Sino ang aking target market?

Ano ang dapat isama sa isang business plan?

Bagamat maaaring iba-iba ang haba at sakop ng business plan, ang lahat ng mga matagumpay na business plan ay mayroong karaniwang elemento. Ang mga sumusunod ay dapat isama sa business plan.

  1. Executive Summary (Paglalarawan ng Negosyo)
  2. Alamin kung ano ang iyong Oportunidad sa Negosyo
  3. Istratehiya sa Marketing at Sales Strategy ng isang Business plan
  4. Iyong Grupo
  5. Pamamalakad
  6. Mga financial forecast ng isang Business plan
  7. Iba pang mga mahalagang dokumento

Ang Executive Summary (Paglalarawan ng Negosyo)

Ang executive summary ay isang malawak na pananaw ng mga mahalagang punto ng iyong business plan at kadalasan itong isinasaalang-alang bilang pinakamahalagang bahagi. Ito ay nakaposisyon sa harap ng plano, at karaniwang ang unang bahagi na babasahin ng napipintong mga investor o nagpapahiram. Ang summary ay dapat:

  • May kasamang mga pinakaimportanteng punto mula sa bawat isa sa ibang mga bahagi upang ipaliwanag ang basehan ng iyong negosyo
  • Sapat na kawili-wili upang maakit ang bumabasa na ipagpatuloy ang pagbasa ng iyong buong business plan.
  • Maikli ngunit malinaw - hindi hihigit sa dalawang pahina

Bagamat ang executive summary ay ang unang bahagi ng plan, maigi ang isulat ito sa huli; kapag tapos na ang ibang mga bahagi ng plan.

Alamin kung ano ang Iyong Oportunidad sa Negosyo

Sa bahaging ito ng iyong business plan, iyong ilalarawan kung ano ang iyong negosyo, kung ano ang mga produkto at/o serbisyo nito, at kung ano ang iyong mga plano para sa negosyo. Karaniwang kasama dito ang sumusunod:

  • Kung sino ikaw
  • Kung ano ang iyong ginagawa
  • Kung ano ang iyong iaalok
  • Kung anong market ang gusto mong itarget

Tandaan na maaaring hindi naiintindihan tulad ng pagkakaintindi mo ng taong bumabasa ng plan kung ano ang iyong negosyo at o mga produkto at serbisyo nito; kaya subukang iwasan ang mga komplikadong salita. Maigi rin ang kumuha ng isang taong hindi kasangkot sa negosyo na basahin ang bahagi na ito ng iyong plan upang masiguro na naiintindihan ito ng kahit sino.

Kabilang sa ilang mga bagay na dapat mong ipaliwanag sa iyong plan:

  • Ito ba ay bagong negosyo, binili ba ang isang kasalukuyang negosyo o pinapalaki ba ang isang kasalukuyang negosyo?
  • Ang seksyon ng industriya kung nasaan ang iyong negosyo
  • Kung gaano ka-unique ang iyong produkto o serbisyo
  • Ang bentahe ng iyong negosyo kumpara sa kakompetisyon
  • Ang mga pangunahing layunin ng iyong negosyo
  • Ang legal na anyô ng iyong negosyo (sole proprietorship, partnership, corporation)

Maaari mo rin isama ang petsa ng pagrehistro/pag-incorporate ng negosyo, ang pangalan ng negosyo, ang address at kung paano makokontak.

Istratehiya sa Marketing at Sales ng isang Business plan

Ang malakas na business plan ay may kasamang bahagi na naglalarawan ng mga ispesipikong gagawin mo upang i-promote at ibenta ang iyong mga produkto o serbisyo. Ipinapakita ng isang matatag na seksyon ng sales at marketing na malinaw sa iyo kung paano mo dadalhin sa market ang iyong produkto o serbisyo, at masasagot nito ang mga sumusunod na katanungan para sa bumabasa:

  • Sino ang iyong mga customer? Magsiyasat at isama ang mga detalye ukol sa mga klase ng customer na interesado sa iyong produkto o serbisyo. Maaari mong ipaliwanag kung paano mo ipro-promote ang iyong sarili sa mga bibiling customer.
  • Paano mo maaabot ang iyong mga customer? Dapat mong kilalanin ang iyong mga customer at malaman kung ano ang pinakamabuting paraan upang maabot sila. Ang pagsisiyasat ay makakatulong sa iyo na malaman ang mabisang paraan upang makipag-ugnayan sa iyong piniling audience, maaring sa Internet, sa telepono o sa harap-harapang pag-usap.
  • Sino ang iyong kompetisyon? Oras na naunawaan mo ito, kailangan mong malaman ang kanilang lakas at kahinaan, at gamitin ang impormasyong ito upang asesuhin ang mga maaaring maging oportunidad at banta sa iyong negosyo.
  • Paano mo ipoposisyon ang iyong produkto o serbisyo? Ilarawan kung bakit unique ang iyong produkto o serbisyo sa market na iyong tinatarget.
  • Paano mo prepresyohan ang iyong produkto o serbisyo? Ilalahad ng impormasyon na ito ang iyong estratehiya sa pag-presyo, kasama ang pabuya, presyong bulto, at/o group sales.

Ang Iyong Team

Huwag maliitin ang kahalagahan ng bahaging ito ng iyong plan. Kailangang malaman ng mga mga investor na ikaw at ang iyong mga tauhan ay mayroong kinakailangang balanse ng mga katangian, motibasyon at karanasan upang magtagumpay. Ipapaliwanag sa bahaging ito ang mga tauhang nagtatrabaho sa iyong negosyo at kung paano mo planong pamahalaan ang iyong mga gawain. Maaaring isama sa impormasyon sa bahaging ito ang:

  • Maikling layout ng organisasyon o talangguhit ng negosyo
  • Talambuhay ng mga manager (kasama ang iyong sarili)
  • Sino ang gumagawa ng ano, kasama ng maikling paglalarawan ng trabaho sa bawat tungkulin
  • Mga kinakailangang katangian ng bawat tungkulin
  • Ano mang iba pang mahalagang impormasyon na may kinalaman sa mga tauhan

Mabuti ring ibalangkas ang anumang recruitment o training plan, kasama ang gastos at oras na kailangan.

Pamamalakad

Ibabalangkas ng bahagi ng pamamalakad ng iyong business plan ang iyong pang-araw-araw na pangangailangan, ang kinakailangang lugar, mga kinakailangan sa management information systems at information technology, at anumang mga plano mong gawin upang pahusayin ang negosyo. Karaniwang kabilang sa seksyon na ito ang impormasyon tulad ng:

  • Mga pang-araw-araw na pamamalakad – mga paglalarawan ng mga oras ng pagpapalakad, seasonality ng negosyo, mga supplier at ang kanilang credit terms, atbp.
  • Mga kinakailangang lugar – kabilang dito ang mga bagay tulad ng laki at lokasyon, impormasyon sa kasunduan sa pagrenta, presyo ng mga supplier at anumang ibang dokumento ng lisensiya.
  • Management information systems – inventory control, talaan ng accounts, quality control at customer tracking
  • Mga kinakailangang Information technology (IT) – ang iyong IT systems, sinumang mga consultant o support service at balangkas na plano ng anumang nakaplanong IT development.

Financial Forecasts ng Business Plan

Ginagawang katotohanan ng iyong financial forecast ang iyong plan. Bilang bahagi ng anumang magandang business plan, kailangan mong isama ang financial projection para sa negosyo na nagbibigay ng forecast para sa susunod na tatlo hanggang limang taon. Ang unang 12 buwan ay magkakaroon ng pinakamaraming detalye, gastos at kinita, upang maintindihan ng mga investor ang iyong istratehiya.

Dapat isama sa iyong financial forecast ang sumusunod:

  • Cash flow statements – cash balance at unang 12-18 buwan na buwanang cash flow pattern, kasama ang working capital, mga suweldo at mga benta
  • Profit at loss forecast – ang tinatayang antas ng kita batay sa iyong inaasahang benta, gastos sa pagbigay ng produkto at serbisyo, at iyong gastos sa pamamalakad ng negosyo
  • Sales forecast – ang perang inaasahan mong makamit buhat sa benta ng produkto o serbisyo

Ilang bagay na dapat isaalang-alang na isama:

  • Magkano ang kapital na kailangan mo kung naghahanap ka ng pondo mula sa labas?
  • Ano ang seguridad na maiaalay mo sa nagpapahiram?
  • Paano mo pinaplanong bayaran ang iyong utang?
  • Ano ang iyong mga mapagkukunan ng benta at kita?
  • Dapat isakop ng mga forecast ang iba't-ibang mga pangyayari.
  • Rebyuhin ang mga risk at magkaroon ng mga planong magagawa upang i-offset ang mga risk.
  • Rebyuhin ang industry benchmarks/averages para sa iyong uri ng negosyo.

Mahalaga ang mag-research upang maihambing ang iyong negosyo sa ibang maliliit na negosyo sa iyong industriya.

Ibang Mahalagang Dokumento

Hindi laging kailangan ang mga sumusunod na bahagi, pero maaaring pabutihin nito ang anumang business plan:

  • Pagpapatupad ng Plan – nasa bahaging ito ang mga tinantiyang petsa ng pagkumpleto ng iba't-ibang aspeto ng iyong business plan, mga target para sa iyong negosyo at mga maitututupad.
  • Mga appendix – dapat kasama rito ang mga materyales na kinakailangan tulad ng mga lisensiya at permit, mga kasunduan, mga kontrata at ibang mga dokumento na nagsusuporta ng iyong business plan.

Sino ang dapat sumulat ng aking business plan?

Ikaw, ang entrepreneur, ang dapat na maghanda ng iyong business plan. Ito ay ang iyong negosyo at plano, ngunit huwag mag-atubiling humingi ng tulong mula sa iyong management team, mga consultant, accountant, bookkeeper, copy editor o ibang mga taong may karanasan.

Para sa karagdagang impormasyon sa pagsulat ng iyong business plan at ibang paksa ng negosyo, tumawag sa Small Business Services / Services aux petites entreprises ngayon. Ang serbisyo sa telepono ay ibinibigay sa Ingles o Pranses.