Ang Pagkonsulta sa isang Abogado para sa Iyong Negosyo
Bilang may-ari ng negosyo, mahalagang maintindihan mo kung bakit maaaring mahalaga para sa iyong maliit na negosyo ang kumonsulta sa isang abogado.
Ang Pagsimula ng isang Sistema para sa Pagbabayad ng Suweldo
Ang pamamahala para sa pagbabayad ng suweldo ay isang mahalagang bahagi ng pamamahala ng negosyo. Ang isang plano para sa pagbabayad ng suweldo ay isang istruktura ng mga antas ng pagbabayad na tutulong sa pagtatakda ng halaga na ibinabayad para sa bawat posisyon sa trabaho sa iyong negosyo. Ang isang pormal na sistema ng pamamahala para sa pagbabayad, o isang plano para sa pagbabayad ng suweldo, ay makakatulong sa inyo sa pamamahala ng mga gastos sa mga empleyado, makaragdag sa kalagayan ng mga empleyado, at bawasan ang pagkuha at pagsisante ng mga empleyado.
Ang Pamamahala ng Negosyo na Pag-aari ng Pamilya
Ang pagpapalakad ng negosyo na pagmamay-ari ng pamilya ay katulad ng pagpapalakad ng anumang maliit na negosyo. Gayunman, may ilang mga bagay na natatangi sa pagpapalakad ng isang negosyo na pagmamay-ari ng pamilya.
Ang ilang mga karaniwang problema na maaaring mangyari sa isang negosyo na pag-aari ng pamilya ay:
Balangkas ng Marketing Plan
Bakit kailangan gumawa ng marketing plan?
Ang iyong marketing plan ay mahalagang bahagi ng iyong kabuuang negosyo. Kapag ikaw ay nag-uumpisa ng negosyo o naglalabas ng mga bagong produkto o ideya, ang planong ito ay makakatulong sa iyo na.
Bumili ng isang Negosyo o Simulan ang Iyong Sarili
Ang magsimula ng negosyo ay maaaring nakakataranta para sa mga baguhang negosyante. Kung mayroon kang mahusay na ideya at handa kang magtrabaho nang husto, maaaring mainam para sa iyo ang magsimula ng iyong sariling negosyo. Pero kung nais mong iwasan ang ilan sa mga karaniwang hámon sa pagsimula ng isang negosyo, maaaring mas mainam na opsyon ang bumili ng isang nakatayô nang negosyong o isang mahusay na franchise.
Paano Titiyakin ang Iyong Kinita
Ang kumita ay isa sa mga pinakamahalagang layunin ng pagnenegosyo. Kapag kinalkula mo ang iyong kinikita, matitiyak mo kung gaano ka nagtagumpay at magbibigay din ito ng impormasyon ukol sa kung saan kumikita ang iyong negosyo at kung saan mo ito ginagastos.
Pagbigay Pangalan ng Negosyo
Ang tamang pangalan ay mabisang gamit sa anunsiyo. Magiging tulong sa parokyano na maintidahn ang iyong negosyo at ano bahagi ng pamilihan iyong tinatamaan. Ang maling pangalan ay nakakalito o magsialisan ang mga parokyano.
Ilang bagay na dapat pag-isipan:
Pagbili ng Negosyo
Kailangan ang panahon at sikap sa pagbili ng negosyo. Mahalaga sa iyo ang pagsisiyasat upang masiguro na tama ang klase ng negosyo at makatuwiran ang halaga nito.
Pagtantiya ng negosyo
Bago ka magpasya bumili ng negosyo tantiyahin ang kondisyon at potensiyal ng negosyo. Isaalang-alang ang sumusunod:
Pagbuo ng Ideya
Isa sa mga kalubus-lubusang bentaha ng isang negosyante ay na makapagtrabaho sa isang bagay na iyong hilig, at nasa iyong damdamin. Sa kasawiang-palad, kagustuhan damdamin ay hindi palaging mauuwi na tubo. Kung pagpasiya kang magtatag ng bagong negosyo, magsimula sa pamamagitan ng pagdibelop ng iyong ideya para sa negosyo.
Pagbuo ng Patalastas ng Kompanya
Ang patalastas ay sakaling ang pinaka-unang bagay na iyong ilagay sa kamay ng maaaring maging parokyano, ngunit tandaan, bahagi lang ito ng buong programa sa pagbebenta. Ang iyong estratehiya sa pamilihan ay sinusuportahan rin sa mga bagay na tulad impormasyon na website at karunungan ng iyong tauhan na sasagot sa mga tanong at sundin ang iba pang impormasyon.
Pagnenesgosyo Mula sa Tahanan
Marami ang nais makapagtrabaho mula sa tahanan pero may ilang mga bagay na dapat mong isaalang-alang bago ka magpasiyang magsimula na magnegosyo mula sa tahanan. Depende sa kalakihan ng lugar na kailangan mo at sa uri ng iyong negosyo, maaaring lubos na mainam na ilagay ang iyong negosyo sa iyong sariling tahanan. Marami ang dapat pag-isipan upang masigurado na ang pagtratrabaho mula sa tahanan ay ang pinakamaigi para sa iyo.
Pagpili at Pagtayo ng isang Lokasyon
Maraming bagay na dapat isaalang-alang sa pagdesisyon kung saan ilalagay ang iyong negosyo at kung paano aayusin ang iyong opisina, tindahan o pasilidad.
Lokasyon ng tindahan
Bilang may-ari ng negosyo, mahalagang malaman mo na ang lokasyon ng iyong tindahan ay may epekto sa tagumpay o paglugi ng iyong negosyo.
Isaalang-alang ang apat na sumusunod na bagay sa pagpili ng lokasyon:
Pagsimula ng Negosyo: Alin ang Tama para sa Iyo?
Ang magsimula ng negosyo ay maaaring nakakataranta para sa mga baguhang negosyante. Ang Small Business Services / Services aux petites entreprises ay ang mapagkukunan mo ng impormasyon at tutulungan ka nito mula simula hanggang katapusan.
Kapag magsisimula ka ng iyong negosyo, piliin ang istruktura ng negosyo na pinakamaigi para sa iyong mga pangangailangan. Mayroong apat na klase ng istruktura ng negosyo sa Ontario: sole proprietorship, partnerships, corporations and cooperatives.
Pasimula sa Market Research
Upang magpalakad ng isang matagumpay na negosyo, mahalagang malaman kung sino ang iyong mga customer, kung ano ang kanilang kailangan, at kung paano mo sila mararating. Ang market research ay makakatulong sa iyo na makakuha ng wasto at ispesipikong impormasyon tungkol sa iyong mga customer at mga kakompetensiya, na siyang mahalagang bahagi ng pagsimula o paglago ng iyong negosyo. Ang mga pangangailangan ng mga consumer ay may epekto at nagbibigay-direksyon sa lahat ng aspeto ng mga gawain ng iyong kompanya at maaaring lumago o bumagsak ang iyong negosyo dahil dito.
Patnubay para sa Business Plan
Ano ang business plan at bakit kailangan ko ito?
Ang isang business plan ay nakasulat na dokumento na naglalarawan ng iyong negosyo, mga layunin at istratehiya nito, ang market kung saan nais mong magbenta, at ang iyong financial forecast. Mahalaga ang business plan dahil tumutulong ito sa iyo na magkaroon ng makahulugang mithiin, makakuha ng pondo mula sa labas, sukatin ang iyong tagumpay, linawin ang kinakailangan sa operasyon ng pagtakbo at itatag ang resonableng financial forecast.
Prankisya
Ang mag-umpisa ng negosyo sa unang pagkakataon ay maaaring mahirap para sa isang nagsisimula pa lamang na negosyante. Ang mamuhunan sa isang matagumpay na prankisya ay mabuting opsyon para sa iyong bagong pinaplanong negosyo.
Unawain ang Iyong Business Lease
Kapag pumirma ka sa isang lease, tandaan na ikaw ay pumapasok sa isang legal na kontrata. Isiping kumuha ng legal na payô bago pumirma. Ang sumusunod ay nagbibigay ng mahalagang impormasyon para sa mga hindi pamilyar sa commercial leases.
Ang Katagalan ng Iyong Lease
Karaniwan, ang isang commercial lease ay magtatagal nang tatlo hanggang sampung taon. Mahalagang malaman kung kailan magsisimula ang lease at kung kailan magtatapós ang kasunduan.