Ang tamang pangalan ay mabisang gamit sa anunsiyo. Magiging tulong sa parokyano na maintidahn ang iyong negosyo at ano bahagi ng pamilihan iyong tinatamaan. Ang maling pangalan ay nakakalito o magsialisan ang mga parokyano.
Ilang bagay na dapat pag-isipan:
- Ang uri ng negosyo na iyong napili para sa iyong negosyo ay may epekto sa pangalan ng iyong negosyo.
- Ang pangalan ng negosyo na nakarehistro sa Ontario para sa Solong May-Ari, Sosyo, "Trade Name" o "Operating Name" ay hindi maaaring ma-proteksiyon.
- Mayroon proteksyon ang pangalan ng korporasyon o marka-pangalakal
- Madaling tandaan ang maikling pangalan.
- Ang paggamit ng iyong sariling pangalan ay hindi makapagsabi sa ina-asahang parokyano kung ano ang ginagawa mo. Maaaring pumili kayo ng pangalan na tutulong na maintindihan ng mga tao kung ano ang ginagawa ng iyong kompanya.
Maari mo gawin ang:
- Pumili ng pangalan na akma sa gusto mong paglalarawan ng negosyo at para sa mga parokyanong iyong bebentahan.
- Iwasan ang mga pagpapaikli (halimbawa, ABC Company) maliban lang kung mayroon kayong badyet para sa kalakal para magawang memorable ang pangalang ito.
- Gawin ang iyong pangalan na kakaiba upang mamumukod ka mula sa iyong kakompetensiya.
- Piliin ang pangalan na hinidi pa umiiral. Maraming mga pangalan ng negosyo na kasalukuyang umiiral na ay protektado bilang mga marka-kalakal o mga pangalan ng kompanya na inkorporada.
Piliin mabuti ang pangalan ng iyong negosyo, ito ay nasa harap mo saan ka man paroroon.
Para sa ibang impormasyon sa pangalan ng negosyo at iba pang paksa, tumawag sa Small Business Services / Services aux petites entreprises ngayon. Ang serbisyo sa telepono ay maaring Inglis o Pranse.
Switch Language