Marami ang nais makapagtrabaho mula sa tahanan pero may ilang mga bagay na dapat mong isaalang-alang bago ka magpasiyang magsimula na magnegosyo mula sa tahanan. Depende sa kalakihan ng lugar na kailangan mo at sa uri ng iyong negosyo, maaaring lubos na mainam na ilagay ang iyong negosyo sa iyong sariling tahanan. Marami ang dapat pag-isipan upang masigurado na ang pagtratrabaho mula sa tahanan ay ang pinakamaigi para sa iyo.
Ano ang mga mainam sa pagkakaroon ng negosyo mula sa tahanan?
- mas mura kaysa mag-rent at maaari mong ibawas ang business taxes dahil ginagamit mo ang iyong tahanan (halimbawa, property tax, utilities, pagpapaayos at maintenance, home insurance, at ang interest na bahagi ng mortgage o rent)
- hindi kailangang magbiyahe
- itatakda mo ang iyong mga sariling oras ng trabaho
- mas maginhawang lugar ng trabaho
- ikaw ang bahala kung gaano katagal ang panahon na ilalaan mo sa negosyo
Ano ang mga mainam sa pagkakaroon ng negosyo mula sa tahanan?
- masikip ang lugar para sa expansion ng negosyo
- nag-iisa ka lamang, hiwalay mula sa ibang negosyante
- maaaring walang lugar para sa special equipment o karagdagang tauhan
- may mga legal at pangkalusugang restriksyon kung ang iyong negosyo ay nasa isang apartment o bahay
- maaabala ka ng pamilya at mga kaibigan, at mahirap magtakda ng mga boundary
- kailangan mong bigyan ng motibasyon ang iyong sarili kahit na mahina ang negosyo
Gawin ang iyong research upang matiyak kung ano ang tama para sa iyo
Bago simulan ang iyong negosyo mula sa tahanan, isipin ang mga mahalagang bagay na ito:
- Pumili ng ideya para sa pagnegosyo mula sa tahanan na kaya mong puhunan, na umaakit sa iyo, at na kinakailangan sa iyong lugar.
- Siguraduhing magtakda para sa iyong negosyo ng isang ispesipikong lugar sa iyong tahanan o apartment na malayô mula sa mga aktibidad sa iyong tahanan.
- Iwasan ang maabala ng mga bagay na makakaistorbo sa iyo sa trabaho at makakakompromiso sa iyong pagtratrabaho.
- Bago ka magsimula, tingnan muna ang mga pangprobinsiya at federal na regulasyon para sa mga regulasyon sa kalusugan, kaligtasan, at taxation.
- Huwag hayaang makompromiso ang iyong pagkilos bilang isang propesyonal dahil lamang hindi gaanong pormal ang iyong kapaligiran.
- Magpanatili ng hindi pabago-bagong iskedyul upang masiguradong available ka para sa iyong mga kliyente, o gumamit ng ibang mga paraan upang mabilis silang makontak muli.
- Mag-ingat sa mga negosyo mula sa tahanan na maaaring 'di-legal.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagnenegosyo mula sa tahanan at para sa ibang mga paksâ sa negosyo, kontakin ang Small Business Services / Services aux petites entreprises ngayon. Ang serbisyo sa telepono ay ibinibigay sa Ingles o Pranses.