Ang magsimula ng negosyo ay maaaring nakakataranta para sa mga baguhang negosyante. Ang Small Business Services / Services aux petites entreprises ay ang mapagkukunan mo ng impormasyon at tutulungan ka nito mula simula hanggang katapusan.
Kapag magsisimula ka ng iyong negosyo, piliin ang istruktura ng negosyo na pinakamaigi para sa iyong mga pangangailangan. Mayroong apat na klase ng istruktura ng negosyo sa Ontario: sole proprietorship, partnerships, corporations and cooperatives.
Sole-Proprietorships at Partnerships
Ang sole proprietorship o partnership ay ang pinakamadali at pinaka-karaniwang pagsimula ng negosyo, ngunit nakasalalay sa iyo bilang may-ari ang lahat ng responsibilidad ng negosyo.
Pabor | Kontra |
---|---|
Mabilis at madali lamang magrehistro. | Kailangan mong magrehistro muli bawat 5 taon. |
Mababawasan mo ang gastos para sa iyong pagrehistro ng negosyo. | Ikaw at ang iyong mga kasosyo sa negosyo ay personal na mananagot para sa negosyo. |
Sa iyo mapupunta ang lahat ng kita ng iyong negosyo. | Ang pangalan ng iyong negosyo ay hindi protektado. |
Ikaw ang gagawa ng lahat ng mga desisyon ukol sa negosyo. | Ang tax sa iyong kita ay batay sa iyong personal rate. |
Korporasyon
Ang korporasyon ay legal na entidad at hinihiwalay nito ang negosyo mula sa kanyang may-ari/operator. Maaari mong piliing gumawa ng federal o provincial na korporasyon at ang bawat opsyon ay mayroong sariling kabutihan at 'di kabutihan.
Pabor | Kontra |
---|---|
Ang iyong personal na obligasyon ay limitado. | Kailangan mong magbigay ng mga annual filing at corporate records. |
Ang pangalan ng iyong negosyo ay protektado. | Magbabayad ka nang mas malaki upang magtayô ng isang korporasyon kaysa sa ibang mga uri ng negosyo. |
Maaari mong ilipat ang ownership o pagka-may-ari. | Maaaring kailangan mong magbigay ng katunayan ng tirahan o pagkamamamayan. |
Maaaring kwalipikado ka para sa mas mababang tax rates bilang isang korporasyon. |
Cooperatives (For Profit at Not for Profit)
Ang co-operative ay isang korporasyon na itinatatag at kontrolado ng kanyang mga miyembro. Maari itong itatag bilang for profit o not-for-profit. Gaya ng korporasyon, maari itong irehistro nang provincial o federal at ang bawat opsyon ay mayroong sariling kabutihan at 'di kabutihan.
Pabor | Kontra |
---|---|
Limitado ang iyong liyabilidad. | Kailangan mong lutasin ang kasalungatan ng mga miyembro sa isa't-isa. |
Ang kinita mo ay ibabahagi sa lahat ng mga miyembro. | Ang iyong pagdedesisyon ay maaaring matagalan. |
Ang iyong co-operative ay demokratikong kontrolado (isang miyembro, isang boto). | Kakailanganing sumali ang lahat ng mga miyembro upang magtagumpay ang negosyo. |
Para sa iba pang impormasyon sa iba't-ibang uri ng negosyo at ibang paksa ng negosyo, tumawag sa Small Business Services / Services aux petites entreprises ngayon. Maaaring gamitin ang wikang Ingles o Pranses sa telepono.